ESP

 Para sa iyo ano ang kahalagahan ng buhay ?


Ang buhay ang isa sa pinakamahalagang regalo ng Dios Amang lumikha; kinasangkapan niya ang mga magulang o mag-asawa upang lumikha ng panibagong buhay.   Ang buhay ay higit pa sa iniisip ng lahat, hindi lamang tao ang mayroon nito; sapagkat, ang halaman at mga hayop ay nagtataglay din. Walang halamang sisibol at hayop na dadami kung ang buhay ay wala.


Ano kaya ang iyong purpose sa mundong ito?


Saksihan ang kagandahang nilikha ng Diyos. Maging kabahagi ng mga nilalang at tamasahin ang yaman ng langit, lupa at karagatan. Maranasan ang kaligayahan, maramdaman ang kabiguan, labanan ang kalungkutan, paghariin ang pagmamahalan. Ibahagi ang pag-ibig sa kapwa, bayan, kalikasan at lahat ng nilalang.


Para kanino ka nabubuhay?


Kaya tayo nabubuhay ay dahil sa PAGMAMAHAL. Lahat ng bagay ay umiikot lang sa salitang “PAG-IBIG, at PAGMAMAHAL.” isipin mo ang bagay na hindi mo binibigyan ng halaga at pagmamahal. Kahit gaano man kahirap. Kahit gaano man kasakit. Kahit ilang beses ka pang umasa. Babangon at babangon ka pa rin at magsisimula ulit.

Comments